Martes, Hulyo 5, 2011

Nang Minalas ang Kalbong Beki (Part 3)

So bumorlogs na nga ng bonggang bongga ang lola mo....


wait ndi naman ganyang ka-bongga... 

OA lang ha.... 

yung sakto lang teh....


ayan much better.... ganyan lang....

xempre pag-katapos matulog.... gigising. alangan namang hindi noh....

ng pag-mulat ko ng aking mga mata....

may na-aninag ako bigla...

imahe ng isang matangkad na lalake in white...


wiz ulet!!! hindi ganyan noh.... 

lalake in white nga eh... tapos nasa hospital.... malamang nurse yun!

going back to the story.... xempre tinignan ko muna ang face value...

PAK NA PAK!!! winner teh!!!

then napa-tingin sa gawi ko yung guy...

his sultry eyes meet my very tantalizing eyes...

shet nakaka-tunaw tumingin... as in...

then he smiled showing his perfect set of pearly whites...

with his sight grabe ramdam ko ready to fight na ang puwerta ko....

ahihihi

susuklian ko na sana ang ngiti nya....

PERO WAIT!!!


bigla akong naging conscious sa sarili ko.... kagigising ko nga lang pala...

then I realized na naka-nganga pala ako habang naka-tingin sa kanya with matching muta sa mata....

God knows kung may tumutulo bang laway sa bibig ko ng dahil sa aking pagkaka-nganga.... 

punyemas naman!!!

minsan na nga lang makaka-kita ng pogi dun sa hospital tapos ganito pa...

wala akong nagawa that time kundi pumikit na lang ulit....

how I wish na bumuka na lang ang lupa that time at lamunin ako ng buong buo. choz!

"he caught me drooling over him" asar na sabi ko sa sarili ko....

at iyon dear readers ang pinaka-malas na nangyari sakin nung araw na yon....

###SABOG!

Linggo, Hulyo 3, 2011

Fourth of July

Good day to my pretty readers....

pass muna sa "Nang Minalas ang Kalbong Beki"

bet ko munang i-treat kayembang with this video, BG Music: Fireworks

Happy Fourth of July to all....

Paunawa lamang mga teh.... bawal dilaan ang monitor!!! char!!!

Sabado, Hulyo 2, 2011

Nang Minalas ang Kalbong Beki (Part 2)

(continuation......)

So ayun na may 3rd jumbo needle na nga... as if naman may choice ako.. basta bat magamit ang fistula ko sa braso ok sakin yon.

turok ulit ng pampamanhid gallore....

tinignan ko kung saan ipapasok yung sumunod na karayom...

malapit lang dun sa nag bleed na ngayon ay ampat na...

ndi na ako naki-elam... knows ko naman ba dun eh trabaho nila yun....

Pak! 3rd tusok... mahina parin ang flow... hugot ng konti... baon ulit.... mga 3x pa na ganun... ayaw paren...

haggardness na talaga si Luzelle kaya tinawag nya na si Ma'am Jo para magpa-tulong...

si ma'am Jo na... more hugot ng konti then baon.... wala paren... give-up na ulet....

pinrepare na ulit nila ang access ko sa leeg.... 



i hate this.... gusto ko na nga matanggal yun pero eto nanaman... gagamitin nanaman sya

lumapit si Sir Rico my savior... kumapa pa ulit sa braso... mejo malayo dun sa 3rd and 4th na tusok...

then confidently sinabi nya... "Eto malaki tong ugat na to.... sing lake ng lata ng sardinas"



"echusera ka Sir Rico, ung may ugat akong ganung kalake sana napunta na lang yun somewhere down there para bongga ang future ko" yun ang sabi ko.... sa sarili ko... hahaha as if magpapakita ako ng kahalayan sa mga yun.

go tusok daw ulit.... grabe pang apat na to!!! Quotang quota na ako sa tusok

Kumuha ulit sila ng bagong needle...

Ma'am Jo: Libre ulit... game na??

Me: ok po... game na!!! ng matapos na tayo hahaha

nilinis na ni Ma'am Jo ang spot sa braso kung saan itutusok ang 4th jumbo needle..

binuksan ang packaging ng needle at akmang tutusok na....

ng bigla akong napasigaw.....

Me: WAIT!!! saglit lang....wala bang pampammanhid??? kaloka!!! kinakabahan ako sayo ah....

Ma'a Jo: ay oo nga pala wait lang... nate-tense na kasi ako sayo eh.... ang dami mo na kasing tusok.

Tawanan ang mga staff...

nag-panic talaga ang lola nyo....



pano ba naman hindi ako nenerbyusen eh super dakila ng karayom... ma-hahaggard ako dun....

feeling ko parang kipay na-nawarat sa unang pag-salakay ang pakiramdam nun sa skin kong mala porcelana...

go turok na then tusok na ng needle..... SUCCESS!!! 

start na ang 4 hours ng session....

syempre may I lafang na si watashi ng baon na Spicy pork Caldereta and Tuna pie from Jollibee

ng biglang....

nag BLEED yung first tusok...

at dahil ok naman yung process... tinry na lang pa-ampatin ang pag-dugo...

hays malas talaga......... puro kamalasan naman akes!!!

parang yung mga lead role sa movie na "Just my Luck" nina Lindsay Lohan at Chris Pine.


kung pwede lang talagang ipasa ang kamalasan sa pamamagitan ng halik malamang nakipag-laplapan na ako agad kahit sa janitor ng hospital... wag ng choosy basta mawala ang sumpa hahaha!!!

kaso ndi naman pwedeng ganon.....

kaya naman tutal tapos na din akong lumafang...

at meron pa akong more than 2 hours to wait ay nag decide muna ako bumorlogs....

hoping na baka sakaling pag natulog ako ay ma-reset ang malas level ko at mapaltan naman ng ma-swerteng aura...

and with that thought in my mind humanap ako ng kumportableng  posisyon sa pagkaka-upo at nag start mag hibernate..... char!

(to be continued.........................)

oo teh may part 3 pa... 

wag ka ng choosy... 

kung ako lang masusunod wala na sanang part 3 pero nandun kasi ang pinaka-bonggang event sa lahat..... 

abangan nyo na lang.....

Biyernes, Hulyo 1, 2011

Nang Minalas ang Kalbong Beki

Tuesday morning...

Oooops! ibaba muna ang kilay alam kong Friday ngayon, ngayon ko lang naman kasi ito ikukwento

Nag rise and shine ang lola nyo that day with a very beautiful smile in her face....

sabi nga daw kasi start the day with a smile...



hyper ang lola nyo that day... because it's dialysis day...

meaning pwede nanamang lumapuk ng kahit anek na food within 2 hours.

kesehodang bawal ang food keri lang daw yun sabi ni Doc....

may-i-paluto tuloy si watashi ng spicy pork caldereta the night after para ibaon nga kinabukasan...



xempre morning rituals muna si watashi....

then prepare na to go to the hospital....

habang ang aking side kick na itago nalang natin sa namesung na Bebang ay mega prepare naman ng lalafangin ng lola nyo....

and off we go... malapit na kami sa hospital ng ma-realize ko na....

wait!!! ma-aga pa pala..... (around 7:30 pa lang noon at 8:00 pa ang start ng session)

so fly muna si watashi together with side kick Bebang sa Jollibee na walking distance lang mula sa hospital...



ordered hot choco, tuna pie, and extra large fries for two.... dahil may oras pa naman willing to wait ang drama ng lola nyo...

10 minutes pa daw kasi ang tuna pie spluk ng bilat sa cashier....

ok lang sabi ko... may 30 minutes pa ako to spare. 10 minutes to wait then 10 minutes walkathon papunta sa hospital. ok ndi pa ako male-late....

first comes the fries and hot choco... wait parin ang lola nyo for her favorite tuna pie

naiinip na si watashi.... nagsimula na naming lafangin ang fries...

ava naman... ano't after 25 effing minutes pa dumating ang pinakamimithi kong mainit-init na tuna pie



taob na ang fries at hot choco... late na akes!!! after ma-i-givesung ang tuna pie, fly agad ang lola nyo to the hospital....

chaka!!! late nanaman akes... hahaha pero keri lang... i'm still ok... composed na composed pa si watashi

pag arrive ko sa AKU (Artificial Kidney Unit) isang choir ng "Good Morning!....Late ka....." ang nareceive ko from the dialysis nurses....

no more time to waste... timbangan portion muna before umupo sa trono ang reyna like this one....



"62" sabi ni papa Wendell (dialysis Nurse) "mabigat ka yata ngayon?"

Me: oo nga ano.... hmmm bakit kaya???

Wendell: Baka naparami ka ng inom ng tubig. wala ka namang kinaing bawal?

Me: wala.... baka naparami nga lang ng inom...mainit kasi kagabi....

A few more achuchuchu at diretso na ako sa isang mga trono kung san nandun ang isang dialyzer na may pangalan ko on it.....

Lapit naman si Luzelle (dialysis nurse din) asking me "ano game na?"

"sure!" sabi ko naman....

umupo na ang lola nyo sa tronong naka-laan para sa kanya and relaxed....

eto na start na.... TUSUKAN NA!!!


Luzelle: Oh eto na ha.... parang kagat lang to....... KAGAT KO!!!

Me: Ay katakot naman..... nangangagat ka pala.... hahaha

Ok go...the kagatan takes place.... after 2 injects ng glutathione este pampamanhid comes the 2 jumbo needles like this.....



first tusok.... SAPUL!!! i love it!!!

second tusok..... ayun! ay wait.... mahina... ayun! ay nawala..... saglit lang... ayun! ay wala parin....

nag bleed... suko na si Luzelle.... palit ng new needle....

Luzelle: Libre to.... ayaw nung pangalawa eh... tutusok ulit tayo ha.....

(to be continued..................)